Liham Para sa Aking Panghinaharap na Sarili

14 A Reynaldo St.

Reymar Subd. Tandang Sora, Q.C.

Ika- 17 ng Marso, 2015

Sa Matalik kong Kaibigan,

Kamusta ka na diyaan? Alam kong ika’y masayang nagtratrabaho na. Ano nga ba pala trabaho mo? Ikaw ba’y naging isang doktora, o isang mang-aawit? Isang dalub-agham o isang artista sa teatro? O, ikaw ba’y naging isang kontador (accountant) o isang pastora? O, ikaw ba’y isang halimaw at ika’y naging lahat nito? Haha, loko lamang. Kung hindi ako masyadong abala sa iyong ginagawa, maaari ko po bang malaman? Nais ko po kasing maghanda na kahit maaga pa. Paano mo nga pala natiis ang klase sa Ingles? Kasi ngayon, ako’y inip na inip sa klaseng ito. Hindi naman dahil sa guro, ngunit dahil ang hirap lang talaga eh. Haha, siyempre naman alam mong mahirap ito dahil ito ang iyong pinagdaanan din eh. Eh, paano naman ang iyong matematika? Naging mas mahirap ba? Mahal mo pa rin ba ito? Paumanhin po ko masyadong marami ang aking mga katanungan, pero ganun talaga eh. Ang dami kong gustong malaman, sa katotohanan, ako’y sobrang hindi mapakali. Bawat umaga, ako’y sobrang hindi mapakali dahil alam kong may magandang nangyayari bawat araw. Sana naman ay patuloy ka pa ring nagiging masaya at binibigay mo ang lahat mo sa iyong mga gawain. Paalam na muna sa ngayon!

Ang iyong nakalipas na sarili,

Amara Tan

Advertisements

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s